-- Advertisements --

Nilinaw ni NBA Commissioner Adam Silver na hindi ililipat ang 2026 All-Star Weekend mula sa bagong arena ng Los Angeles Clippers, ang Intuit Dome sa Inglewood, kahit may isinasagawang imbestigasyon laban sa koponan kaugnay ng umano’y paglabag sa salary cap rules na may kinalaman kay Kawhi Leonard.

Nakatuon ang imbestigasyon sa ulat na may $28 million “no-show” endorsement deal si Leonard sa Aspiration Fund Adviser LLC, isang kumpanyang suportado ni Clippers owner Steve Ballmer na kalauna’y nalugi.

Ayon kay Silver, hiwalay ang pagplano ng All-Star Game sa naturang imbestigasyon.

Nakatakdang ganapin ang All-Star Game sa Pebrero 15, 2026.

Samantala posible namang pagmultahin kung mapatunayang lumabag ng hanggang multang P $7.5 million, ksabay ang pag kansela ng kontrata, at pagbawi ng draft picks.