-- Advertisements --

Pumanaw na si New York Knicks legend Willis Reed sa edad 80.
Hindi na binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan ng tinaguriang “The Captain”.

Nakilalal siya sa pagdala ng Knicks sa unang kampeonato noong NBA Finals sa taong 1970.
Nagtabla kasi sa 3-all ang finals nila ng Los Angeles Lakers at hindi nakapaglaro si Reed sa Game 6 dahil sa injury.

Subalit pagpasok ng Game 7 ay pinilit niyang maglaro at siya ang nagbigay ng lakas sa kasamahan nito na sina Wilt Chamberlain, Elgin Baylor at Jerry West para talunin ang Lakers 113-99.

Noong Pebrero 25 ay hindi na siya nakadalo sa pagkilalang ibinigay sa kaniya ng koponan sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kanilang ikalawang kampeonato.

Ang 6’10” na center ay naging 10th overall pick ng Knicks noong 1964 NBA Draft at sa 10-season career nito sa NBA ay mayroon siyang 19 points at 13 rebounds na average.

Kabilang siya sa All-Sta ng pitong beses at dalawang beses siyang naging NBA Finals Most Valuable Player at 1970 NBA MVP.