Tinambakan ng NBA Defending Champion Golden State Warriors ang Sacramento Kings sa Game 3 ng nagpapatuloy na Playoffs 2023.
Naging susi sa panalo ng Warriors ang 36-point performance ni Warriors superstar Stephen Curry, kasama ang 6 rebounds. Maganda rin ang ipinamalas na performace ni Andrew Wiggins na nag-ambag ng 20 points at 7 rebounds.
Sumentro ang depensa ng Warriors sa all-around performance ng kanilang Center player na si Kevon Looney na tumipa ng hanggang 20 rebounds at siyam na assissts.
Sa panig ng Kings, bagaman halos lahat ng players nito ay nag-ambag ng puntos, tanging si De-Aron Fox lamang ang umabot sa 20 points. Nag-ambag rin ng double-double performance si Domantas Sabonis na may 15 points at 16 rebounds ngunit kinulang pa rin upang mahabol ang magandang shooting performance ng defending champion.
Ang panalo ay nagawa ng Warriors sa likod ng hindi paglalaro ng dalawa nilang defensive specialist sa katauhan nina Draymond Green at Garry Payton II.
Matatandaang si Green ay pinatawan ng 1-game suspension habang si payton naman ay hindi nakapaglaro dahil sa kanyang injury.
Sa ngayon, nasa 2 – 1 ang kartada ng magkaribal na team, pabor sa Kings.
Gaganapin pa rin ang susunod na laban ng dalawa sa homecourt ng Golden State Warriors.