-- Advertisements --
image 348

Binuksan ng National Basketball Association ang kauna-unahan nitong community court sa Pilipinas. Ito ay ang Reyes Gym na matatagpuan sa Mandaluyung City.

Ayon sa NBA, layunin ng binuksang indoor court na makabuo ng local basketball community sa Metro Manila at makapagbigay ng oportunidad sa mga basketball fans na maglaro ng libre sa isang premier sports facility sa Metro Manila.

Ang nasabing basketball court ay gagamitin bilang venue ng mga basketball exhibition, tournamnet, at practice area.

Bukas ito para sa mga coaches, athletes, mga kabataan, at lahat ng basketball enthusiasts

Ang Reyes Gym ay may laking 1,000 sq meters. Bukas naman ito araw-araw mula 6:00am hanggang 11:00pm.

Maaari namang magpa-reserve ang mga players at coaches ng maximum na dalawang oras araw-araw at libreng magagamit ang basketball court.