-- Advertisements --

Todo abang na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19.

Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New York City Mayor Eric Adams.

Kung maalala dahil sa higpit ngayon sa naturang estado ay hindi tuloy nakalaro sa kanilang home court si Irving na inabot ng 35 mga games.

Sinasabing napakahalaga ng papel ni Irving sa huling mga laro ng Nets lalo na at naghahabol ang koponan na mapabilang sa NBA playoffs.

Samantala hindi lamang ang NBA ang makikinabang sa pagtanggal sa naturang patakaran laban sa mga hindi bakunadong players kundi maging sa lahat ng mga private businesses at iba pang mga professional athletes at mga performers sa siyudad ng New York.