-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang ginagawang paghahanap ng mga kinauukulan sa nawawalang pasahero ng bumagsak na Piper plane sa bahagi ng Isabela sa Nobyembre 30, 2023.

Ayon kay Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Atty. Constante Foronda gagamit na rin ang sila ng mga K9 trackers para sa paghahanap sa nawawalang pasahero sa oras na bumuti na ang lagay ng panahon.

Kung maaalala, una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang mga kinauukulan sa posibilidad na buhay pa ang naturang pasahero matapos mamataan ang isang tent malapit sa wreckage ng naturang Piper plane kung saan naman nakitang wala nang buhay ang piloto nito.

Matatandaan na noong Nobyembre 30, 2023 unang napaulat na nawawala ang naturang aircraft na Piper Plane RPC 1234 matapos na bigong makarating sa Palanan Airport sa takdang oras na alas-10:23 ng umaga.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad, at nito lamang December 5, 2023 ay namataan nila ang isang eroplanong may registration number na RPC 1234 sa bisinidad ng Barangay Casala sa San Mariano, Isabela.