Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang nawawalang certificates of cavass sa nakalipas na halalan ay dahil sa ilang procedural error sa parte ng poll personnel.
Subalit nakipag-usap na aniya sila sa National Board of Cavasser sa congress at naisumite na ngayong araw ang lahat ng dokumento na kailangan.
Nauna rito, ipinagpaliban ng NBOC ang canvassing ng mga boto para sa president at vice-president mula sa Pampanga, Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Mandaluyong City, Sulu, at lungsod ng Maynila dahil sa nawawalang COCs.
Nagpaliwang din ang Comelec official kung bakit wala sa ballot boxes ang mga COCs , aniya base sa inisyal na imbestigasyon, naniniwala ito na nagkamali ng pinaglagyan sa mga envelope na para sa ibang NBOC at hindi para sa president at vice-presindent.
Tiniyak naman ng Comelec official sa publiko na kanilang aalamin mula sa Comelec personnel na sangkot kung ano ang tunay na nangyari at tutukuyin ng poll body kung mayroong kapabayaan o non-compliance sa kanialng parte.
Sa kabilanito, iginiit naman ni Laudianco na wala pang ebidenisya na nagpapakita na mayroong vote shaving o vote padding na nangyari sa katatapos na halalan.