-- Advertisements --
Isasara ngayong weekend ang Navotas Fish Port Complex, kabilang na ang Market Halls nito, para sa isasagawang disinfection.
Sa isang advisory, sinabi ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) na isasara ang fish port mula Agosto 1 ng ala-1:00 ng hapon hanggang Agosto 2 ng ala-1:00 ng hapon.
Kasabay nito ay hinimok ng PFDA ang publiko na magboluntaryo sa isasagawang disinfection drive.
Sa mga interisado rito, maari lamang anilang tumawag sa contact number ng Food Safety and Environmental Unit ng fish port: 0922889650.










