-- Advertisements --
usns comfort 2

Lumayag na papuntang New York City ang U.S. Navy hospital ship na puno ng medical supplies at staff para tumulong sa nararanasang coronavirus pandemic ng estado.

Para kay President Donald Trump ay magsisilbing mensahe ang naturang barko ng pag-asa at pagkaka-isa para sa mamamayan ng New York.

“We’re here for you. We’re fighting for you and we’re with you all the way and we always will be.” wika ni Trump bago tuluyang umalis ang USNS Comfort.

“You have the unwavering support of the entire nation,”

Pinuri rin ng American president ang nasa 1,200 medical personnel na sakay ng barko. Aniya ito umano ang “greatest weapon’ ng tropa militar ng Amerika para labanan ang COVID-19.

Mayroon itong 12 operating rooms, medical laboratory, pharmacy, at helicopter deck.

“It’s stocked up to the gills. Right up to the top,” saad ng presidente.

Inaprubahan na rin ni Trump ang hiling ni New York Governor Andrew Cuomo na magdagdag ng apat pang medical response sites sa Brooklyn, Queens, Staten Island at Bronx.

Inaasahan na dadating sa Lunes ang USNS Comfort.