-- Advertisements --
image 464

Naharang ng pamunuan ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ang isang Indonesian boat na may kargang ipinuslit na sigarilyo.

Ang naturang banka, na may KM PEJUANG DEVISA 2, ay naharang sa bahagi ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phil Navy, patungo ang kanilang sinasakyang barkong Artemio Ricarte (PS37) sa isang patrol mission nang maharang nila ito.

Nang mapuntahan ang Indonesia boat, tumambad sa kanila ang 296 master cases ng smuggled na sigarilyo.

Tinatayang nagkakahalaga ang lahat ng pakete ng hanggang P11,840,000.

Wala namang maipakitang dokumento ang management ng banka na minamandohan ng dalawang Pinoy at dalawa ring undocumented Indonesian.