-- Advertisements --
Inaprubahan na ng House of Representative sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6224 na nagbibigay ng Philippine citizenship kay basketball player Justin Brownlee.
Nakasaad kasi sa nasabing panukalang batas na kahit American Citizen si Brownlee ay may malaking naiambag ito sa basketball sa bansa.
Nabibigyan aniya nito ng kasiyahan ang mga basketball fans sa bansa.
Mismo si Brownlee rin ang may kagustuhan na magkaroon ng Philippine citizenship dahi sa interesado ito na mapabilang sa natonal basketball team ng bansa.
Magugunitang pinapamadali ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang naturalization ni Brownlee para maihabol ang kaniyang pangalan na maglaro sa FIBA Basketball World Cup sa 2023 kung saan isa ang Pilipinas sa napiling host.