Sinimulan na ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang kanilang pinakamalaking military exercise.
Ayon sa Western military alliance na nasa 90,000 na mga sundalo ang lalahok sa isang buwan na Steadfast Defender 2024 exercises.
Layon ng nasabing military exercise ay para masubok ang kanilang depensa sa pagharap gaya ng nangyaring giyera ng Russia sa Ukraine.
Sinabi pa ni General Christopher Cavoli, NATO’s Supreme Allied Commander Europe, na ipapakita nila ang kakayahan nilang mag-ayuda sa Euro-Atlantic area sa pamamagitan ng trans-Atlantic movement ng puwersa mula sa North America.
Ginawa aniya ito para sa simulation ng 31- bansa sa pagresponde sa atake ng kalaban na mga bansa gaya ng Russia.
Makikilahok dito ang 50 naval vessels, 80 aircraft at mahigit na 1,100 na combat vehicles.