-- Advertisements --
Naniniwala si North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltenberg na ang nangyaring pagsabog sa Poland ay mula sa air defense system ng Ukraine.
Sinabi nito na walang dapat sisihin sa insidente kung hindi ang Russia dahil ginagawa lamang ng Ukraine ang nararapat na depensahan ang kanilang bansa.
Sinang-ayunan din nito ang pahayag ni Polish President Andrzej Duda na ang tinamaan na missile ay hindi target ang Poland.
Magugunitang dalawa ang nasawi matapos ang pagtama ng missile sa bahagi ng Poland na border nila ng Ukraine na sinasabing mula sa Russia ang nasabing missile.