-- Advertisements --

Hinikayat ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary-General Jens Stoltenberg ang mga bansa na magpadala ng mga air defense systems sa Ukraine.

Ito ang naging paksa ng pagpupulong ng mahigit 50 lider ng mga bansa sa NATO.

Dagdag pa ni Stoltenberg na nararapat na hindi na palampasin ang naganap na pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Ilan sa mga tinukoy nito na mga air defense ay short-range, long-range, air defense systems to take ballistic missiles, cruise missiles, drones, different systems na may ibang mga tasks.

Tinawag nito na ang ginawa ng Russia ay pagpapakita ng kahinaan dahil sa nawawalan na ng ibang paraan si Russian President Vladimir Putin matapos na maubos ang kaniyang sundalong nakatalaga sa Ukraine.