-- Advertisements --
Nagpasya ang mga bansang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na magbigay ng semi-permanent shelter facilities sa Turkey para tulungan ang mga mamamayan doon na nawalan ng tirahan dahil sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kay Nato Secretary General Jens Stoltenberg, na ang nasabing pagbibigay ng shelters ay makakatulong magligtas ng buhay ng mga mamamayan doon.
Kumpleto ang pasilidad ng nasabing mga shelters bukod sa mayroon itong palikuran ay mayroon din ito ng mga heater at iba pa.
Tiniyak nito na patuloy ang kanilang ginagawang pagtulong para mahanap pa ang ilang mga survivors ng nasabing lindol.
Sa kasalukuyan ay nasa 20 NATO allied countries mula sa 30 bansa ang sumasali na sa relief operations.