-- Advertisements --

Kinondina ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang desisyon ng Russia na maglagay ng tactical nuclear weapons sa Belarus.

Ayon sa NATO na kanilang mahigpit na binabantayan ang sitwasyon at ang hakbang aniya ay magddudulot ng pagbabago ng nuclear strategy.

Hindi naman naniniwala ang US na naghahanda ang Russia na gumamit ng nuclear weapons.

Nagpatawag naman ang Ukraine ng emergency meeting sa UN Security Council para matugunan ang potensiyal na banta sa anunsiyo na ito ni Russian President Vladimir Putin.

Ang Belarus kasi ay may bahagi na kahati ang border sa Ukraine ganun din sa ilang NATO members gaya ng Poland, Lithuania at Latvia.

Nagbabala naman si European Union foreign policy chief Josep Borrell na maaring maharap sa mas mabigat na sanctions ang Russia dahil sa nasabing desisyon nito.