-- Advertisements --

Makikipagpulong pa sa NATO Secretary General Jens Stoltenberg sa mga lider ng Sweden, Finland at Turkey.

Ito ay para pag-usapan ang pagiging miyembro ng Sweden at Finland sa NATO na kinokontra naman ng Turkey.

Inakusahan kasi ng Turkey ang Finland at Sweden na magbibigay lamang sila ng ligtas na lugar ang mga Kurdistan Workers’ Party (PKK), na itinuturing na terrorist group ng Turkey at mga Western allies.

Umaasa ang NATO chief na magiging mabunga ang gagawin niyang pakikipagpulong sa nasabing mga bansa.