-- Advertisements --
image 158

Ibinabala ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Jens Stoltenberg na posibleng bumagsak sa kamay ng Russia ang kabisera ng Ukraine na Bakhmut sa mga susunod na araw kasunod ng ilang buwan ng matinding labanan sa lugar.

Ang pahayag na ito ng NATO official ay matapos na sabihin ng Wagner mercenary group na siyang nangunguna sa pag-atake sa Bakhmut na nakubkob na nila ang eastern bank ng industrial town na napinsala sa kasagsagan ng tinawag na longest battle mula ng salakayin ng Russian forces ang Ukraine isang taon ang nakalilipas.

Ayon sa Wagner chief at kaalyado ng Kremlin na si Yevgeny Prigozhin na nakubkob na ang kanilang pwersa ang buong eastern part ng Bakhmut na isang salt mining town na mayroong mamamayan na 80,000 bago sumiklab ang giyera.

Itinuturing na pinakamatagal at pinakamadugong labanan ang Battle of Bakhmut bago pa man sumiklab ang Russian invasion sa Ukraine noong nakalipas na taon.

Una na ring ibinabala ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang maaaring mangyari sa oras na bumagsak ang Bakmut sa kamay ng Russian forces.

Ayon kay Zelensky, magiging daan ito para sa Russian forces na mapasok ang iba pang mga teritoryo ng Ukraine sa Donetsk region.