Sinimulan nang himayin sa Senado ang mga panukalang may kaugnayan sa pagtugon sa COVID-19, kalamidad at mga katulad nito na may malaking impact sa mga mamamayan.
Sa paghimay ng Senate committee on sustainable development goals, innovation and futures thinking, isinulong ni chairperson Sen. Pia Cayetano ang pagkakaroon ng national health security plan.
Layunin umano nitong maiwasan na maging reactive na lamang sa problema at sa halip ay matugunan bago pa man ang paglaki ng suliranin.
Inilahad din nito ang planong magkaroon ng health reserve force na kikilos sa panahon ng kakapusan ng health frontliners.
Itinulad ito ni Cayetano sa puwersa ng military reservist na maaaring i-activate kapag nasa emergency status ang ating bansa.
Sa ngayon ay may counterpart version na ito sa House of Representatives.