-- Advertisements --
Screenshot 2020 04 22 17 51 26 67

Humarap sa isang morning News Show si Dr. Roland Cortez, Chief ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City para ipaliwanag ang kasalukuyang issues na may kinalaman sa medical health facility.

Ang mga isyu ay unang nakaagaw ng atensiyon ng publiko sa pamamagitan ng social media na ayon kay Cortez ay highly irregular.

Matatandaang una nang isiniwalat ni dating NCMH chief administrative officer Clarita Avila na nitong Abril ay 50 na sa 83 psychiatrists sa NCMH ang kasalukuyang sumasailalim sa “self-quarantine” dahil sa kanilang exposure sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi rin niyang 34 sa mga NCMH staff ang positibo sa COVID-19.

Ang lahat ng ito ay isiniwalat ni Avila sa pamamagitan ng Facebook post.

“Others are afraid to report because they don’t have PPE (Personal Protective Equipment). We lack the logistics. We lack the supplies to protect them. Parang pupunta sila sa giyera na wala naman silang baril,” ani Avila.

Ang mga pagsisiwalat ni Avila ay ikinagulat ni Cortez at agad na gumawa ng official letter para hilinging tigilan ang paghahayag ng kahalintulad na mga statements, lalo pa’t hindi na ito ang tagapagsalita ng NCMH.

Maliban dito ay hindi rin umano medical doctor si Avila.

Ang nakalulungkot ay hindi umano tumatalima si Avila sa hiling ni Cortez at sa halip ay inakusahan siya nito ng planong pagbabawal sa kanyang magsalita sa aniya’y mga nalalaman niya sa medical facility.

“The NCMH does not tolerate coverups of the result of the COVID-19. In fact we are just following the orders of the Department of Health that all reports are submitted daily. All these reports should be vetted first before it is being released to the general public by Udersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire,” ani Cortez.

Nagkomento naman ang ibang NCMH insiders sa pagsasabing wala pang maraming nagagawa sa mental health facility si Avila.

Matatandaang noong July 15, 2019 ay may inilabas na news story ang isang pahayagan at sinuportahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang graft at malversation case na inihain laban sa kanya Office of the Ombudsman.

Siya ay kinasuhan sa umano’y pagpayag sa isang kumpanya na kanyang tinulungan para sa mga proyekto at pasilidad kabilang na ang pavilion na babayaran ng pamahalaan ng P80 million.

Sa harap ng pre-existing tension sa pagitan ni Avila at Cortez, sinabi ng una na ang de facto gag order umano ng huli ang nagbunsod para siya ay mailipat sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City.

Ayon sa isang TV network nagpadala umano sa kanila si Avila ng text message na makatanggap ito ng order ng reassignment noong April 14, 2020.

Nang tanungin naman kung ano ang partikular na rason ng kanyang paglipat ay sinabi ni Avila na ito daw ay dahil sa kanyang mga expose sa loob ng NCMH.

“Because of my exposé made to media about the gag order issued to me by Dr. [Roland] Cortez and my exposé about what’s happening inside the NCMH,” ani Avila.

Pinasinungalingan naman ni Cortez ang pahayag ni Avila.

Ipinaliwanag nito na ang hiling na mailipat si Avila sa DATRC ay nakapaloob sa isang mosyon bago pa nito isiniwalat ang kanyang mga alegasyon may kaugnayan sa COVID-19.

Sabi ni Cortez, nasa Australia si Avila mula December 17, 2019 hanggang February 27, 2020.

Bumalik ito sa trabaho sa unang linggo pa lamang ng Marso at sinabi ni Cortez na sinusubukan daw ni Avila na gumawa ng gulo sa naturang institution sa pamamagitan ng pagbibigay ng false information sa kanyang Facebook.

Dahil dito sumulat si Cortez sa office of the Department of Health (DOloH) secretary sa pamamagitan ni Health Undersecretary Roger Tong-an noong March 6, 2020 para hilingin sa ahensiya na magkaloob ng assistance or intervention para istimahin si Avila.

“I felt that she was disrupting the ongoing reforms that we are doing and was [showing] deliberate disobedience to Civil Service Commission rules,” ani Cortez.

Kinumpirma naman ni Tong-an na tumanggap siya ng sulat mula kay Cortez na petsado March 6 na humihiling sa paglipat kay Avila dahil sa “violations” na kanyang ginawa.

Sa naturang mga panahon ay nagsisimula na ang DoH na paigtingin ang mga hakbang para labanan ang COVID-19, kaya’t hindi agad natugunan ang hiling ni Cortez.

Kinalaunan ay nagdesisyon din ang DoH na pagbigyan ang hiling ni Cortez.

Ang utos ay para ilipat si Avila sa NCMH petsado April 13.

Sa isyu sa kakulangan ng personal protective equipments (PPEs) para sa NCMH’s doctors and nurses, ipinunto ni Cortez ang kasalukuyang supply ng NCMH, na tatagal pa ng 10 hanggang 12 araw.

Aniya, may dagdag na PPEs silang inaasahan mula sa iba’t-ibang donors at organisasyon.

“I would like to correct the fake news that’s going around on FB that the National Center for Mental Health is not accepting donations. That is not true. We have accepted donations ever since and still accept donations up to now,” dagdag ni Cortez.

Paliwanag pa nito, mahigpit na sinusunod ng NCMH ang accounting at auditing rules pagdating sa donasyon.

Bawat donasyon ay napupunta sa Material and Management System ng NCMH.

Sa ganitong paraan ay may transparency at maaring mag-isyu ang NCMH ng required certifications sa anumang uri ng donasyon.

May mga ulat naman nang pagtanggi ni Avila na lisanin ang kanyang posisyon sa NCMH sa kabilang ng transfer order sa kanya ng DoH.

Sa katunayan, tumanggi rin ito na bakantehin ang two-storey cottage na kanyang inuukupa sa NCMH complex.

“She was given the privilege to live there the former chief because she was a member of the NCMH Executive Committee and as the chief administrative officer of the institution. As a member of the Executive Committee, she herself signed a resolution that says that if you cease to be a member of executive committee or the management committee and if you are no longer connected with NCMH, then you must vacate the said cottage. Yet, Avila has allegedly remaiend adamant that she is not going anywhere,” Ayon kay Cortez.

Idinagdag pa ni Cortez na kaya pinili ni Avila na gamitin ang social media sa kanyang isyu sa halip na dumaan sa tamang proseso ay para matugunan ang kanyang mga hinaing.

Tumanggi din kasi itong lagdaan ang ano mang official documents at sa katunayan ay hindi rin nagsumite ng Performance Commitment Document na kinakailangan ng batas sa NCMH Human Resource Management Office.

“It is unfortunate that she has to insist on dwelling on these issues while the country battles the COVID-19 pandemic. We’re all supposed to be focusing on serving the people at this time, yet she is disrupting the health care process with her allegations,” dagdag ni Cortez.