-- Advertisements --

Nanganganib na hindi matuloy ang dalawang natitirang presidential at vice presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC) sa Abril 23 at 24.

Ito ay dahil sa hindi pa nababayaran ng kumpanyang Impact Hub, ang organizer na kinuha ng COMELEC para sa debate, ang Sofitel Philippine Plaza.

Ayon sa Sofitel Philippines na hindi pa nakakapagbayad ang nasabing kumpanya ng P14 milyon.

Makailang beses umanong nagbigay ng talbog na tseke si Celeste Eden Rondario ng Impact Hub.

Nagbigay ng hanggang alas-12 ng tanghali nitong Huwebes ang Sofitel subalit hindi natupad ng Impact Hub.

Hindi naman sinagot ni Comelec commissioner George Garcia kung matutuloy ang debate dahil sa magsasagawa pa sila ng committee en banc sa darating na Biyernes.