Naglunsad ng nationwide information drive ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Marikina Convention Center.
Katuwang ang Commission on Elections (Comelec), National Youth Commission (NYC), at Legal Network for Truthful Elections (Lente) ay tinawag itong “Series of Information Drive on Responsible Voting of the Youth and 2022 Elections” na layunin na bigyang edukasyon ang kabataan pagdating sa responsableng pagboto.
Sa naturang aktibidad ay itinuro ni Comelec spokesperson James Jimenez ang tamang paggamit ng vote counting machine.
Habang misinformation, disinformation, at malinformation naman na may kaugnayan sa eleksyon ang tinalakay ni Lente executive director Atty. Rona Caritos.
Samantala, ipinaliwanag naman ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ginagawa nila ang ganitong klaseng mga aktibidad upang ipaalam sa mga kabataan na bukod sa hindi pagtanggap ng pera mula sa vote buying ay kinakailangan din na makasuhan ang mga taong may pakana na nasa likod nito.