-- Advertisements --
REP CAMILLE VILLAR

Tiniyak ng Nationalista Party na suportado nila si House Speaker Martin Romualdez at maging ang administration ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay kasunod ng ulat na binabalak umano patalsikin sa pwesto si Speaker Romualdez sa pamamagitan ng isang coup sa pangunguna umano ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, bagay na mariin naman itinanggi ng dating pangulo.

Ayon kay Deputy Speaker at Nationalista Party Spokesperson Representative Camille Villar, fully committed ang kanilang partido kay Speaker Romualdez bilang pinuno ng Kamara.

Naka linya din ang partido sa mga adhikain ni Romualdez na mabigyan ng magandang buhay ang sambayanang Pilipino at magbukas ng maraming trabaho.

Ayon kay Rep. Villar kaisa din ang kanilang partido sa pagsusulong ng mga priority measures ng Marcos Jr. administration na magbebenepisyo sa mga mahihirap nating mga kababayan.