Nagpahayag ng kahandaan ang national triathlon team ng Pilipinas sa nalalapit na 2023 Asian games competition sa Hangzhou, China.
Mayroong 6 na triathletes ang bansa na sasabak sa kompetisyon kung saan tatlo sa mga ito ay mga Cebuano na kinabibilangan nina Andrew Kim Remolino, Matthew Justin Hermosa, at Raven Faith Alcoseba.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay national triathlon coach Roland Remolino, sinabi nitong inaasahan na nila ang malalakas na mga kalaban, gayunpaman, preparado naman umano sila.
Sinabi pa ni Remolino na pinaghirapan nila ito kaya’t ibibigay nila ang magandang laban sa ibang mga bansa.
Matagal na rin aniya nila itong pinaghandaan kaya gagawin nila ang lahat para iwagayway ang bandila ng Pilipinas doon.
Samantala, nakatakdang maglaro sa mixed team relay si Hermosa, si Alcoseba sa women’s individual habang sa men’s individual naman si Remolino.
Aalis naman ang koponan sa bansa ngayong Sabado sa alas 8 ng umaga habang isasagawa ang kompetisyon sa nasabing sporting event sa darating na Setyembre 29 hanggang Oktubre 2.
Tiwala naman si coach Remolino na may ibubuga ang triathlon team ng bansa at makakapag-uwi ang mga ito ng medalya.