Nakipagtulungan ang National Telecommunications Commission (NTC) sa Kapasinan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para labanan ang paglaganap ng text scam.
Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na ang pakikipagtulungan nito sa KBP ay bahagi ng patuloy nitong “Kontra Text Scam” information drive.
Ang KBP ay tutulong na dalhin ang kampanya sa radyo.
Ang magiging NTC’s radio material para sa nasabing kampaniya ay ang “Text Scam messages na panloloko at paglilinlang! ‘Wag pansinin! ‘Wag i-click ang link! Magsumbong sa NTC. Tulong-tulong laban sa text scam!”
Ang pagsisikap ng NTC at ng KBP ay batay sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa pagkakaisa sa iba’t ibang sektor ng bansa na magtulungan para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.