
Nagpaalala ang National Telecommunications Commission na ang mandatoryong SIM registration ay libre, kasunod ng mga ulat ng mga walang prinsipyong indibidwal na humihingi ng bayad kapalit ng tulong ukol sa SIM Registration.
Bukod sa batas na partikular na nagsasaad na ang pagpaparehistro ay dapat na libre, ang mga masasamang indibidwal ay maaari ring gumamit ng personal na data na nakuha sa proseso para sa pandaraya at pagnanakaw ng pagkakakilanlan ng isang nagparehistro.
Ayon sa ahensya, ang sinumang mahuhuling gumagawa nito ay papatawan ng parusa.
Dagdag pa ng mga opisyal ng ibang networks, nadiskubre nila ang bagong scam na kung saan sinisingil ang mga SIM user para sa nasabing pagpaparehistro.
Iginiit din ng National Telecommunications Commission na 8.31 porsiyento o mahigit sa 14million SIM ng lahat ng aktibong SIM na ang nairehistro noong January 4, 2023.
Gayunpaman, inihayag ni National Telecommunications Commission officer-in-charge Commissioner Ella Lopez na ang epekto ng pagpaparehistro ng SIM sa pagbabawas ng text-related scam ay maaari lamang masuri pagkatapos ng proseso ng pagpaparehistro sa Abril.
Sa ngayon, marami pa rin ang reklamong inihain ng mga regulator sa nagpapatuloy na pagpaparehistro ng SIM cards.










