Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa tatlong telco companies na i-block ang domains o anumang links sa text scams.
Sa isang memorandum na may petsang Setyembre 12, 2022 na nilagdaan ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba na naka-address sa mga kompaniyang DITO Telecommunity Corp., Globe Telecoms Inc., at Smart Communications Inc., naatasan na i-deactivate ang mga domains o Uniform Resource Locators (URLs) , TinyURLs, Smart Links at QR codes mula sa malicious sites.
Ayon pa sa naturang memo, inaasahan ding i-block ng telco companies ang mga links mula sa database na may impormasyon mula sa iba’t ibang government bodies gaya ng NTC, National Privacy Commission (NPC), Department of Trade and industry (DTI), law enforcement agencies gayundin ang mga mula sa mga subscribers.
Nakatakda namang magsumite ang nasabing telco comapnies ng written report of compliance sa NTC bago o sa mismong Setyembre 16.
Nauna ng lumagda sa isang memorandum of understanding ang nasabing mga telco companies para malabanan ang text scams at nangakong tatanggalin ang malicious links at websites may kinalaman sa text scams.
-- Advertisements --