-- Advertisements --
Nagsimula na ang 2023 Philippine National Skills Competition ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).
Magtatapos ang nasabing kumpetisyon ng hanggang Marso 31.
Pinangunahan nina TESDA Director General Danilo Cruz at Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang nasabing program.
Ilan sa mga skills area ay ang 3D Digital Game Art, Automobile Technology, Beauty Therapy, Cooking, Electrical Installations, Electronics, Fashion Technology, and Graphic Design Technology.
Ang mga mag-wawagi ay mabibigyan ng cash incentives bukod pa sa mga medalya at sila ay magiging pambato ng bansa sa World Skills Competitions ngayong taon na gaganapin sa Singapore.