DUMAGUETE, CITY – Opisyal ng binuksan sa publiko kahapon, Nobyembre 25, ang National Museum of the Philippines branch sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Pinangunahan ni Mayor Felipe Antonio Remollo at National Museum of the Philippines Director-General Jeremy R. Barns ang pagbubukas ng ika-16 na sangay ng museo na magpapakita ng kultura, pamana, at kasaysayan ng Negros Oriental at Siquijor sa The Presidencia na dating Dumaguete City Hall.
Tampok sa unang palapag ng bagong museo ang natural na kasaysayan ng rehiyon sa geology, zoology, at botany habang sa ikalawang palapag naman ilalagay ang mga disenyong arkitektura, arkeolohiya at mga built heritage exhibit.
Kasabay ng aktibidad ay ang pag unveil din ng Cultural marker na nagdeklara sa Dumaguete Presidencia bilang isang mahalagang cultural property na ipinakita ang magandang kombinasyon ng arkitektura ng Espanyol, Amerikano at Filipino.
Ito ay dinisenyo ng Filipino architect na s Juan Arella noong taong 1937.
Ang restoration ng Dumaguete Presidencia bilang museo ay naaayon sa layunin ng alkalde na gawing tourist destination ang lungsod para sa mga heritage lovers.
Sa mensahe naman ni Barns, nagpapasalamat ito sa lokal na pamahalaan ng Dumaguete na naisakatuparan ito.
Dagdag pa nito na napili umano nila ang lungsod dahil ito ay isang “beautiful place, educational center, tourism destination, at deserve” din umano ng mga Dumagueteño na magkaroon ng ‘world-class museum’.