Todo na ang paghahanda ng National Museum of the Philippines sa kanilang paglulunsad ng temporary exhibition na tampok ang mga artworks ng endemic at native species ng mga halaman at hayop.
Mayroon itong titulong “Natural Heritage in Focus: The Philippine Flora and Fauna Art Exhibition.”
Ang kanilang launching ay bahagi ng kanilang selebrasyon sa Biodiversity Day at National Heritage Month.
Bukas ang National Museum of Natural History mula May 24 hanggang September 25.
Ka-partner ng National Museum sa naturang proyekto ang Philippine Botanical Art Society (PhilBAS) at Philippine Fauna Art Society (PhilFAS).
Kung maalala ang National Museum of the Philippines ay muling nagbukas noong Oktubre 2021 matapos ang pagsasara dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.