-- Advertisements --
Pinaghahanda ng National Hurricane Center ang mga residente ng Hawaii dahil sa banta ng major hurricane Douglas.
Kasalukuyang nasa category 4 hurricane na mayroong 120 mph.
Itinuturing rin ito na pinakamalakas na bagyo sa mundo sa kasalukuyan.
Inaasahan na maglaland-fall ang bagyo sa Linggo ng umaga.
Tiniyak naman ng NHC na hihina naman ito at posibleng malipat sa tropical storm habang papalapit sa estado.