-- Advertisements --
image 355

Nakahanda ang National Housing Authority na tumulong sa mga residenteng maaaring maapektuhan ng SUpertyphoon Betty,

Ayon kay NHA General Manager JOeben Tai, inatasan na nito ang mga Regional at District manager ng ahensiya na mag-monitor sa anumang maaaring maging epekto ng nasabing bagyo, lalo na sa Northern Luzon.

Kabilang sa mga imomonitor aniya ay ang mga housing projects ng pamahalaan at ang kalagayan ng mga benepisyaryo ng mga nasabing pabahay.

Ayon kay Tai, mayroong 900 relocation sites ang NHA na kayang tumugon sa mga magsisilikas dulot ng nasabing bagyo.

Nakahanda aniya ang ahensiya na magkaloob ng Emergency Housing Assistance Program na makakatulong sa kanila upang mapaayos o maitayong muli ang kanilang bahay, kung kinakailangan.