-- Advertisements --
DSC04956

Ginunita ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang ika-125 na anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Revolutionary Government.

Isinagawa ang seremonya sa Dambanang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Ang nasabing selebrasyon ay bilang pag-alala sa pamamahalang rebolusyonaryo na itinatag noon ni Pangulong Emilio Aguinaldo matapos makalaya ang Pilipinas mula sa Espanya.

Pinangunahan naman ni NHCP Chair Emmanuel Franco Calairo ang nasabing seremonya.

Ayon kay Calairo, ang pagkakatatag ng Philippine Revolutionary Government ay ang nagsilbing unang hakbang para sa tuluyang pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas. Ang Republika ang siyang naging kauna-unahan sa buong Asiya,

Paliwanag ni Calairo, ang proklamasyon para sa pagkakatatag ng nasabing uri ng pamahalaan ay naging daan para sa pagkakabuo ng ilang ahensiya ng pamahalaan.

Kinabibilangan ito ng mga ahensiyang kilala ngayon bilang DFA, DOF at DOLE; DOJ, DEPED, at DOH; DILG at DICT, at iba pa.

Bagaman hindi kaagad nabuo aniya ang tinatamasa ng mga Pilipino na uri ng pamamahala matapos ang seremonyang ginanap noong June 23, 1898, naging daan naman ito para sa tuluyang pagkakaroon ng istraktura ang batang gobierno ng bansa.