-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Iimbestigahan na rin ng National Federation of Sugar Workers ang dahilan ng mababang presyo ng farm gate price ng asukal .
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay John Milton Lozande, Secretary General ng naturang samahan, sinabi nito na dalawa ang nakikita nilang dahilan ng pagbaba ng presyo ng produkto.

Una ay ang dagsa ng importasyon ng asukal kung saan ang pinakahuli na pumasok ay 30,000 metric tons at inaasahang may mga papasok pa sa bansa.
Nauna rito ay mga nauna nang mga inangkat na asukal. Sa crop year 2022-2023, may inaprubahan na sugar importation na 804,000 metric tons na ang tatamaan ay mga maliliit na sugar producers. HIndi pa umano kasama riyan ang mga smuggled na asukal.

Samantala, pangalawang dahilan aniya ay ang paglalaro ng mga hoardes sa presyo ng produktong asukal.

Sinabi ni Lozande na kadalasan na ginagawa ng mga traders at hoarders ay babaratin nila ang presyo at mag i stock ng produkto at ilalabas lamang kapag mahigpit ang supply at ibebenta sa mas mataas na presyo.

Dagdag pa niya na isa rin sa pagtaas ng presyo ay ang agricultural input unang una ay ang mataas na presyo ng abuno at walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis.