-- Advertisements --

Pinayuhan ng National Electrification Administration ang mag electric cooperatives sa buong bansa na patuloy na imonitor ang kalagayan ng kanikanilang sektor.

Ito ay upang kaagad makatugon sa pangangailangan ng mga ito.

Pinapayuhan ng ahensiya ang mga electric cooperative na agad ibalik ang supply ng kuryente sa mga apektadong lugar, bastat matiyak na ligtas itong gawin.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga electric cooperative na kaagad magsumite ng damage report at power situation report sa National Electrification Administration Disaster Risk Reduction and Management Department.

Patuloy din na pinag-iingat ng ahensiya ang power sektor, lalo na yaong mga naka-deploy sa mga field.