Tiwala si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nananatiling makamit pa rin ang target na paglago ng ekonomiya ng bansa para sa taong ito sa kabila ng pinsalang dulot ng Super Typhoon Karding.
Ang malakas na pag-ulan at pagbaha ay nagdulot ng tinatayang P160 milyong pinsala sa agrikultura, ayon sa datos ng gobyerno.
May 45,334 katao o 11,500 pamilya ang lumikas din sa kanilang mga tahanan, ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ngunit sinabi ni Balisacan na abot-kamay pa rin ang 6.5 hanggang 7.5 porsiyentong target.
Ang data mula sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) nagpapakita na si Bagyong Ondoy ay nakapagtala ng P6.669 billion na danyos sa agrikultura habang P2.617 billion sa infrastructure habang si Yolanda ay nakapagtala naman ng P9.6 billion damage sa infrastructure.
-- Advertisements --