-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 4 na taong National Cybersecurity Plan (NCSP) mula ngayong 2024 hanggang 2028.

Layunin ng planong ito na magkaroon ng mapagkakatiwalaan, ligtas at maasahang cyberspace para sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa DICT, makakamit ang layuning ito sa pamamagitan ng mga programa na nakatuon sa pagprotekta at seguridad ng mamamayan at ng estado.

Gayundin, target nito na mapalawig pa ang cybersecurity workforce at malinang pa ang mga kapasidad nito at ulang makabuo ng mga patakaran sa cybersecurity. (With reports from Bombo Everly Rico)