CAUAYAN CITY- Matagumpay na ipinagdiwang Ang National Children’s Month Celebration sa Isabela na ginanap sa Provincial Capitol, Alibagu, City of Ilagan.
Umabot sa 40 grupo ng mga batang Isabelino mula sa iba’t ibang bayan ang nakilahok kabilang ang Grupo ng mga Indigenous People na nagmula pa sa remote areas ng lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Board Member Margarette Chin, IP’s Representative ng Isabela ang ang kahalagahan ng pagsama sa mga katutubong bata sa selebrasyon ng National Children’s Month na may layong mabigyan ng pagkakataon ang bawat batang Isabelino na maipamalas ang kanilang mga talento at maibahagi ang mga kakayahang sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad.
Nasa tatlong Grupo ng kabataang IP’s ang nakilahok sa paligsahan ng talento at naging kabilang sa Production number na ikinagalak naman ng Grupo dahil sa maluwag na pagtanggap sa kanila ng komunidad.
Kabilang sa mga aktibidad sa Selebrasyon ngayong taon ang showcase of talents, pagsasagawa ng medical and dental mission at pamamahagi ng mga regalo sa mga batang nakiisa na nagmula pa sa ibat ibang bayan sa lalawigan na kinabibilangan ng tatlong Lungsod at 26 na munisipalidad.
Layunin ng selebrasyon na maipakita sa mga kabataang Isabelino na mahalaga ang kanilang mga karapatan at may pagpapahalaga sa kanilang talento ang Pamahalaang Panlalawigan
Ayon kay Board Member Chin, kinikilaka ng programa ang mga kakayahan ng mga batang Isabelino kaya Naman umaasa siya na mapababa ang pagkakasangkot ng mga Kabataan sa kaso ng mga illegal na Droga at panggagahasa na umanoy madalas nilang kinasasangkutan.