-- Advertisements --

Posibleng mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang linggo ng Disyembre ang proposed General Appropriations Act (GAA) ng taong 2020.

Ito ay kapag naipasa na at natapos na ang bicameral committee discussion ng senado at House of Representatives.

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go, ang vice chairman ng Senate Committee on Finance, na agad itong pipirmahan ng pangulo kapag nakarating na sa kaniyang opisina.

Magugunitang noong nakaraang Linggo ay inaprubahan na ng Senado ang nasabing national budget sa 2020 na nakatakdang ipasa kay Pangulong Duterte sa mga susunod na araw.