-- Advertisements --

Pumanaw na si National Artist for Literature F. Sionil Jose sa edad 97.

Kinumpirma ito ng Philippine Center of International Poets, Essayists, Novelist.
Ayon sa grupo na sinabi ng asawa nito na si Tessie Jovellanos Jose na nalagutan ito ng hininga habang nasa Makati Medical Center pasado alas-9 n gabi.

Nakatakda sana itong sumailalim ng angioplasty ngayong Enero 7.

Noong Disyembre 3 ay nagdiwang pa si Jose ng kaniyang ika-97 kaarawan.

Nagpost pa ito sa kaniyang social media ng tila sulat para sa kaniyang sariling puso.
Nakilala si Jose sa mga libro na kaniyang nagawa na inilimbag sa English at isinalin ito sa 28 iba’t-ibang mga lenguwahe.

Nagwagi ang kaniyang mga gaw ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa loob ng limang taon.

Nabigyan din ito ng mga iba’t-ibang pagkilala gaya ng mga Centennial Award noong 1999 ng Cultural Center of the Philippines, Chevalier dans l’Ordre des Arts et Lettres ng France noong 2000 ganun din ang Pablo Neruda Centennial Award sa Chile noong 2004.

Taong 2001 ng binigyan ng gobyerno ng Pilipinas ang titulong National Artist for Literature dahil sa mga gawa nito sa Philippine Literature.