-- Advertisements --
Pinalitan na ang mga titik ng national anthem ng United Kingdom.
Mula sa kasi sa dating “God Save The Queen” ay pinalitan na ito ng “God Save The King” matapos ang pormal na pag-upo ni King Charles III dahil sa pagpanaw ng ina nito na si Queen Elizabeth II.
Huling kinanta ang “God Save The King “noong 1952 bago pinalita ng Queen sa pagpanaw naman noon ni King George VI at ang pag-upo sa puwesto ni Queen Elizabeth II.
Kinanta muli ang “God Save The King” sa service prayer and reflection na ginanap sa St. Paul’s Cathedral sa London bago ang kauna-unahang talumpati ni King Charles III ng maupo sa puwesto.