Nalungkot umano si Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones sa mga natatanggap niyang mura mula sa mga estudyanteng hindi masaya sa naging desisyon ng ahensya na ituloy ang klase ngayong taon.
Sa isang panayam, hindi na napigilan ng kalihim na ilabas ang kaniyang sama ng loob dahil ngayon lamang daw ito nakatanggap ng mga insulto mula sa ibang tao.
Ang mga ganitong uri aniya nbg lengwahe ay nagpapatunay lamang na dapat ituloy ay edukasyon ng mga kabataan kahit nasa gitna ng health crisis ang bansa.
“May mga statements, may mga mura, sa buong buhay ko, hindi pa ako namura nang P of the I — can you imagine at my age, P of the I kuno ko — and then see you in hell,” saad ng kalihim.
Ang nasabing rebelasyon ng kalihim ay matapos ang natanggap na bad publicity umano ng DepEd sa pagbubukas ng school year 2020-2021. Sa kabila nito, hindi umano magpapatinag ang education sector kahit pa batuhin sila ng kaliwa’t kanang kritisismo ng publiko.
“Mga ganyang klase na lengwahe, which emphasize the fact that we really need to educate our learners and also the adults,” dagdag pa nito.
Mas lalo pang binato ng negatibong komento ang ahensya kasunod ng pagdedeklara nitong tagumpay ang resumption ng mga klase noong Oktubre 5, araw ng Lunes.