KALIBO, Aklan —- Umabot sa ikalawang alarma ang nangyaring sunog pasado alas-11:00 kaninang umaga sa isang lumang bahay sa Oyo Torong St. Kalibo, Aklan.
Tinupok ng apoy ang old house na gawa sa light materials ag paupahang stalls sa ibaba nito.
Halos walang naisalbang gamit ang pamilya Malapit gayundin ang mga kanyang mga tenant kagaya ng parlor, computer shop, dental, optical, derma clinic, bakery at iba pa.
Sinasabing nagsimula ang sunog sa clinic ni Dr. Arthur Malapit.
Nahirapan ang mga bombero sa pag-apula sa apoy sa kabila nang naranasang malakas na ulan dala ng bagyong Agaton.
Tinatayang 50 hanggang 60 anyos ang bahay.
Sa kabilang daku, sinabi ni FO3 Alvin Patricio, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Aklan na dakong alas-12:25 ng hapon ay idineklarang under control ang apoy.
Isang bombero mula sa BFP Kalibo ang nasugatan habang wala sa mga sibilyan.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog at danyos na idinulot nito.