-- Advertisements --
Inanunsyo ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar na tuluyan nang napalitan ang Metro Manila Skyway Stage 3 na nag-collase noong Pebrero 2020 dahil sa malaking sunog sa Maynila.
Ayon kay Villar, ang Skyway Stage 3 project ay nasa 88.72 percent nang tapos.
Ang hindi pa nakokompleto ay ang Tomas Claudio-PUP Sta. Mesa segment, ngunit nakatakda na ring umpisahan ang civil works.
Kapag nabuo ang proyekto, aabot ito sa 18.83-kilometers.
Mula sa kasalukuyang dalawang oras na byahe mula sa Buendia patungong Balintawak, inaasahang magiging 15 hanggang 20 minutes na lang ito para sa average na 55,000 vehicles sa bawat araw.