-- Advertisements --

Pumalo na sa 34,097 na ang nasawi sa Gaza mula ng pinaigting ng Israel ang kanilang atake sa Hamas.

Ayon sa Health Ministry sa Gaza na mula pa noong Oktubre 7, ay mayroong 76,980 na katao ang sugatan matapos na maraming mga Palestino ang naipit sa mga gumuhong gusali at kalsada.

Karamihan sa mga nasawi sa Gaza ay pawang mga bata at mga kababaihan.

Sa nasabing bilang ay mahigit 9,100 kababaihan ang nasawi, at mahigit 14,000 naman ang bilang ng mga batang nasawi.