-- Advertisements --

Pumalo na sa 19 katao matapos ang malawakang kilos protesta sa Nepal.

Ikinagalit kasi ng mga residente lalo na ang mga kabataan ang ginawang pagpapasara ng gobyerno ng social media ganun din ang malawakang kurapsyon.

Gumamit ng tear gas at rubber bullets ang mga otoridad dahil sa tangkang paglusob ng mga protesters sa parliament building.

Aabot naman 100 katao kabilang ang mga kapulisan ang nagtamo ng sugat dahil sa insidente.

Magugunitang nagdulot ng galit mula sa mga kabataan ang pagpapasya ng gobyerno na i-block ang access sa mga social media platforms kung saan 90 percent ng mahigit na 30 milyon katao ng Nepal ang gumagamit ng internet at social media.

Paliwanag ng gobyerno na kaya nila ipinatupad ang pagbabawal na paggamit ng social media ay dahil bigo ang mga ito na irehistro sa mga otoridad dahil sa maling paggamit kabilang ang mga paglaganap ng mga troll accounts na nagpapakalat ng mga fake news at scams.