-- Advertisements --

Pumalo na sa 90 katao ang nasawi kabilang ang maraming mga bata sa pagsali sa kulto sa Kenya.

Nadiskubre ang mga mass graves sa Shakahola forest malapit sa coastal town ng Malindi.

Itinuturong suspek sa insidente ay si Paul Mackenzie Nthenge na tinuturuan niya ang kaniyang followers na gutumin ang sarili para sila ay mapalapit sa Diyos.

Tiniyak ng gobyerno ng Kenya na kanlang aarestuhin ang mga opisyal ng kulto.

Ayon kay Interior Minister Kithure Kindiki na hindi pa nila matiyak kung ilang mga mass graves pa ang maaring nakatago na hindi pa nila nadidiskubre.