-- Advertisements --
image 267

Bumaba pa ang nasasawi dahil sa covid-19 sa Pilipinas mula sa nakalipas na buwan.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang 7-day average ng daily coronavirus deaths sa bansa ay bumaba na lamang sa 12 noong Nobiyembre 21 kumpara sa 38 kaso na naitala noong nakalipas na buwan.

Ipinunto din ni Dr. David na ilan sa napaulat na 64,524 pasyente na namatay sa covid-19 simula ng tumama ang pandemiya sa bansa, nasa 65.5% o katumbas ng 42,260 ang dinapuan ng sakit noong 2021 ang nasawi habang nasa 20% o 13,105 naman ngayong taong 2022.

Saad ni Dr. David na naitala ang pinakamataas na 7-day average death noong Agosto 22, 2021 na pumapalo sa 267 deaths.

Una rito, nagbabala pa ang OCTA sa publiko sa posibleng panibagong wave ng covid-19 infections sa Metro Manila na nakapagtala kamakailan ayon sa Department of Health (DOH) ng pinakamataas na covid-19 positivity rate sa 9.2% sa loob lamang ng isang linggo.