-- Advertisements --

WASHINGTON – Tatangkain daw ng spacecraft ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na sumungkit ng tipak ng asteroid rock bilang bahagi ng patuloy pang mga pag-aaral tungkol sa kalawakan.

Higit 100-million miles ang layo mula sa Earth ng NASA minivan-sized spacecraft na OSIRIS-Rex, na susubok lumapit sa mabatong surface ng Bennu asteroid.

Ayon sa mga scientists, isa ang nasabing asteroid sa mga unang celestial body na nabuo sa solar system, at posibleng may mga bakas ito nang pinagmulan ng buhay sa Earth.

Tatagal ng apat na oras ang paglapit ng spacecraft sa Bennu asteroid, pero limang segundo lang ang itatakbo ng pagtangkang pagkuha ng asteroid sample.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-extend ng 11-foot robotic arm ng spacecraft sa surface na malapit sa north pole ng Bennu. Magpapakawala daw ng nitrogen gas ang spacecraft para magbuga ng debris ang asteroid at pumasok sa sampling head.

“A lot of things could go wrong because the spacecraft’s about the size of a van, and the asteroid has a lot of boulders in it,” ani Lucy Lim, NASA planetary scientist.

Dalawang taon nang naka-orbit o umiikot sa Bennu asteroid ang naturang spacecraft mula nang i-launch ito sa Kennedy Space Center noong 2016.

Ito ang kauna-unahang sample ng asteroid rock na iuuwi sa NASA sakaling maging matagumpay ang misyon. Ang space team ng Japan pa lang kasi ang nakakagawa nito sa kasaysayan ng space expedition.(Reuters)