Nagbabala ang isang rural-based group hinggil sa “dramatic increase” ng production cost sa agri-fisheries sector kasunod nang ilang serye ng oil price hikes ngayong taon.
Ayon kay dating Agrarian Reform Secretary at kasalukuyang National Chairperson ng Anakpawis na si Rafael “Ka Paeng” Mariano, maaring pumalo sa P8,960 kada buwan ang gagastusin ng mga mangingisda sa kada buwan para lamang sa diesel kasunod matapos na naglalaro na sa P56 ang presyo ng kada litro ng diesel sa ngayon.
Masyadong malaki ito kung ikukumpara sa aniya’y P7,200 na ginagastos ng mga mangingisda kada buwan noong nakaraang taon nang nasa P45 kada litro ang presyo ng diesel.
Ayon kay Mariano, ang mga maliliit na mangingisda na kumukonsumo ng nasa 10 litro ng diesel ay kailangan nang maglabas ng P560 sa tuwing pupunta sa laot o katumbas ng P8,960 kada buwan na sasapat lang sa 16 fishing days.
Ang isa rin aniya sa nakaka-alarma talaga sa walang tigil na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo ay nangyayari na ito kahit pa sa first quarter pa lamang ng taon.
Base sa report aniya ng grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA, sinabi ni Mariano na dahil sa ilang serye ng oil price hikes, napilitan ang mga maliliit na mangingisda na bwasan ang dalas nang pagpunta nila sa laot para mangisda mula sa regular na apat hanggang anim na araw kada linggo sa ngayon ay tatlo hanggang apat na beses na lamang,